Inaaral na ng Department of National Defense (DND) ang mga kasunduang pinasok ng Pilipinas kasama ang ibang mga bansa na hindi kumikilala sa hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea at hindi sumusuporta sa foreign policy position nito.
Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., binubusisi ng mga eksperto ang mga nasabing kasunduan upang malaman kung may tunay na pakinabang ang bansa, lalo na sa sektor ng depensa at ugnayang panlabas.
- A-B Passers Secondary: March 2025 LET Results list of passers
- From Schoolmates to Cardinals, Tagle and David’s in a Conclave
- Netanyahu Signals “Intensive” Gaza Offensive as Israel Approves New Battle Plans
- Trahedya sa NAIA Terminal 1, Ramon Ang Nangakong Sagutin ang Gastos sa Medikal at Magbibigay ng Tulong Pinansyal sa mga Biktima
- Nagbabalik ang Tambalan: Palconit-Ponce vs. Batiancela-Veloso sa Calubian
“Kasalukuyan nang nirerepaso ang mga ito,” ani Teodoro, at inaasahang magbibigay ang ahensiya ng karagdagang detalye ukol dito sa mga darating na araw.
Sa inisyal na pagsusuri ng DND, posibleng umabot sa 50 defense agreements at memorandum of understanding (MOU) ang kinakailangang muling suriin. Binanggit ng kalihim na mistulang walang nakukuhang benepisyo ang Pilipinas mula sa ilang kasunduang ito na pinirmahan sa nakalipas na mga taon.
Bagama’t hindi na idinetalye ni Teodoro kung anong mga kasunduan at bansa ang tinutukoy, sinabi niyang kailangang tiyakin na makikinabang ang Pilipinas sa mga pakikipag-alyansa.
Sa kasalukuyan, may aktibong defense at military alliances ang Pilipinas sa mga bansang tulad ng Japan, New Zealand, Estados Unidos, at Australia. Gayunpaman, nananatili ang hamon na masiguro ang mga kasunduan ay naaayon sa interes at soberanya ng bansa.
Ang hakbang na ito ay isang pagpapakita ng masusing pagsusuri ng administrasyon sa mga umiiral na kasunduan upang palakasin ang posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado, partikular na sa isyu ng West Philippine Sea.